Ang pangwalong linggo..


Kahapon, nagfasting ako. No lunch, No in-between.
Fasting para sa important deal ng company and fasting para sa mga humihingi sakin ng prayer.

Ito ang pang 8th week ng pagfafasting ko.
Mahirap talaga. Nakakahilo. Nakakagutom(hehe). Nakakatuliro. Pagkatapos ng araw, nanghihina talaga ako. Thankful ako, pag uwi ko sa bahay, masarap ulam(Tinolang manok). Nakakatuwa naman. Gutom na gutom ako then pag uwi ko yung masarap ang dinner. San k p? hehe napaka Gratifying experience naman. Salamat Panginoon. and Salamat Nay, sa masarap mong luto.Ü

After ko kumain, nagpahinga ako sandali. Then, humiga na ako para matulog. Habang hinihintay makatulog, heto pamangkin ko(9months old lang siya). Gumagapang sa higaan ko. Tinatapik binti ko at medyo umiiyak. Nagpapabuhat yata. Ayaw ko sana siya pansinin kasi mahina pa rin pakiramdam ko pero binuhat ko na rin siya. Inihiga ko siya sa mga braso ko at inihele. After 20min, nakatulog.

Habang buhat ko at natutulog, pinagmamasdan ko pamangkin ko. Nakakatuwa naman tingnan. Nakakawala ng pagod. Ibang klase mga baby, mapapasaya ka nila kahit sa pagtulog lang nila…..

“Panginoon, salamat. Isa ito sa mga pagkakataon na di mapapantayan ng kahit na anong yaman. Salamat at nagkaron ako ng time para patulugin man lang pamangkin ko. Panginoon, nakakarelieve pagmasdan habang natutulog siya. Payapa pakiramdam ko at IKAW kagad naalala ko. Salamat, naeexperience kita kahit sa simpleng bagay na pagpapatulog na pamangkin ko.Sadyang napakabuti mo Panginoon.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s