Sa isang pangungusap
Nabago ang lahat
Ihip ng hangin
Pati paggising
Napahiran ng ngiti
Nakasimangot na labi
Kanina ay mapanglaw
Ngayo’y sa tuwa ay umaapaw
Dali ang pagkilos
Ng kagyat na makatugon
Sa pakisuyo
Ng di masayang ang panahon
Walang tulad na ligaya
Ang nadarama
Ang mapaglingkuran ka
Aking sinisinta
Biloy sayong mga pisngi
Matamis na ngiti
Pagtitig ng iyong mata
Ako talaga’y nahahalina
Di maipalinawag nadarama
Sa’yo lumilingon puso at mga mata
Naiisip din sa twina
Sana maging mas madalas, makapiling ka
Advertisement
Discussion
No comments yet.