Pumupungay ang mata
Papungas pungas pa
Pinipigilang mahulog
Talukap na gustong matulog
Napuyat kagabi
Sa binabasang aralin
Kaya heto at nanaginip
Ng unan at higaang malupit
Idadantay ang katawan
Sabay ang pikit
Kakalimutan ang sandali
Ako muna ay iidlip
Advertisement
Discussion
No comments yet.