Naglalakad sa may dalampasigan
Pasway sway magkahawak kamay
Ang sarap ng simoy ng hangin
Lalo pa at ikaw ang kapiling
Pinapanood paglubog ng araw
Napakaganda, parang ikaw
Dampi ng iyong kamay sa aking pisngi
Ramdam ko ang lambot, nakakabighani
Tinig mong napakalambing
Malumanay, ang gandang ringgin
Tumitipa sa gitara
Habang ikaw ay kumakanta
Ang gabi ay puno ng mga bituin
Kumukutitap, nagniningning
Katulad nila, ganyan ka sa akin
Nag iisang ginigiliw
Huminto ikot ng mundo
Dahil narito at magkasama tayo
Ngunit kahit ito lamang ay sa panaginip
Ngiti ay di maalis alis sa mga labi
Discussion
No comments yet.