Lumundag ang isip
Kasabay ng hangin
Sing ingay ng ulan
Maigting na damdamin
Lumipad sa lawak
Gaya ng mga alapaap
Malayang kumilos
Magaan, dahan dahan
Waring sinusulit ang namamasdan
Ganda ng tanawin at kapaligiran
Dulot ay payapa
Sa puso’y katahimikan
Gumanda ang araw
Kahit makulimlim at umuulan
Ng mapalingon sa durangawan
At ngiti mo ang nasilayan…
gusto ko din talaga ito. maraming maaaring pakahulugan pero iisa lang ang patutunguhan. gusto, gusto (like, like!) =)
Posted by Gigi Caseres | August 3, 2011, 11:21 pmhaha
Salamat Gi
Posted by markdino | August 4, 2011, 12:25 pm